Alden Richards Huli Sa Akto Na May Ibinigay Kay Maine Mendoza Sa Eat Bulaga Ano Kaya Ito?

Usap-usapan pa rin ng netizens hanggang ngayon ang isang paper bag na dala ni Alden Richards kahapon sa Eat Bulaga.

Nabalitaan kasi nila na isa itong gift na ibibigay ng binata kay Maine Mendoza.

Basta pagdating naman sa dalawa lahat ay nakaabang na.

Ang nasabing regalo ay galing pa raw ng Korea.

May katotohanan kaya ang usaping ito?

Hindi naman ito bago kung totoo mang may regalo si Tisoy kay Menggay.

Noon pa man ay may bigayan naman sila kaya no questions na ito.

Siguro sa ngayon ay talagang binabantayan ang mga galaw nila dahil nakalink kasi sila sa ibang artista o hindi na sila magkasama.

Isa pa bihira nalang makikita na magkasama sila Alden at Maine sa Eat Bulaga dahil kapwa silang super busy sa ibang mga commitment.

Ang Asia’s Multimedia Star ay patuloy ang pagtitaping sa kanyang The Gift teleserye na patuloy’ng umeere gabi-gabi sa GMA.

May upcoming game show pa siya kung saan ay ang mga maglalaro ay mga bata.

Si Meng naman ay may taping din para sa kanyang Daddy’s Gurl sitcom with Bossing Vic.

May recording pa siyang tatapusin para sa kauna-unahang album niya.

Kaya kung totoo man ito, siguradong babantayan ito ng lahat kung ano ang laman sa nasabing regalo.

Proyekto Ni Alden Richards Baka I-cancel Ng GMA Nang Dahil Sa Taong Ito

Pinag-usapan ngayon social media ang tungkol sa darating na concert ni Alden Richards this July.

Pinangangambahan kasi itong hindi matuloy kung magiging isa sa mga guest niya si Julie Anne San Jose.

Maraming fans ang hindi gusto sa singer/actress na magiging bahagi sa nasabing event dahil sa mga pinagsasabi niya noon tungkol kay Tisoy.

Kahit matagal nang nangyari ito, hindi pa rin nila ito nakalimutan.

Kaya ganun nalang sila makareak nang mabalitaan ito.

Sabi ng iilang fans, siguraduhin muna nila kung sino ang mga guest ni Alden saka na sila bibili ng ticket.

Kung mangyayari ang pagiguest ni Julie Ann, baka tuluyan ng macancel ang concert dahil sinisigurado ng fans na talagang iboboycot nila ito.

Kaya suggestion ng ilan, huwag nalang isama si Julie sa guest lists upang hindi na ito ibabash pa o makakaapekto ng show.

Unless willing silang saluin ang lahat ng batikos ng netizens at hindi mabebenta na mga tickets sa concert.

Mahirap kasi kung ipipilit mo ang isang tao kung matagal nang ayaw sa’yo.

Kung ikaw ang tatanungin, ano ang mas mabuting gawin ng GMA sa concert ni Tisoy?

Alden Richards Tuluyan Nang Inamin Ang Ideal Girl Niya Alamin Kung Sino Siya

Naging usap-usapan ngayon sa social media ang ideal girl na tinutukoy ni Alden Richards sa kanyang interview recently.

Sino kaya ang maswerteng babaeng ito?

Marami ang gustong maging girlfriend ng isang Richard Faulkerson Jr.

Mas lalong gustuhin na nila ngayon dahil iba na ang status ng buhay ng binata.

Pero iisa lang ang gusto pala ng Asia’s Multimedia star.

Ang nag-iisang Maine Mendoza.

Bakit ito ang nasabi ng iilang netizens?

Ayon sa iilang fans na talagang witness sa tambalan nila Alden at Maine, bihira nalang ang makakakitang ganon na tandem.

Pero alam mo ba na hanggang ngayon ay si Meng pala ang gusto ni Tisoy?

Hindi man direktang inamin niya, ngunit base sa kanyang recent interview during sa kanyang birthday celebration sa Enchanted Kingdom, ang tinutukoy niya na ideal girl ay si Menggay.

Marami ang natuwa at kinilig sa mga sinabi ni Alden.

Mas lalong excited sila this 2020 dahil sabi ng Pambansang Bae, this year ang priority niya ay ang kanyang lovelife.

Sa iyong palagay, may chance pa kaya si Tisoy kay Menggay kung totohanan na sila ni Arjo Atayde?

Ang Biyahe Patungong Dubai Nila Alden Richards At Maine Mendoza

Kung kahapon ay super lungkot ang mga ADN dahil sa napabalitang idinala si Maine Mendoza sa ospital dahil sa sakit nito, aba, ngayon ay masaya na silang muli.

Nakita na kasi nila si Meng sa taping ng Daddy’s Gurl.

Although hindi pa siya completely heal ngunit masaya sila na okay na ang dalaga.

Today ang inaabangan ng lahat ay ang pagbiyahe nila Alden Richards at Menggay patungong Dubai para sa event ng Eat Bulaga.

Sa airport pa lang ay may nakabantay na mga fans sa posibleng pag-alis ng dalawa na magkasama.

May mga Dabarkads na kasing napabalitang nauna ngayon like Allan K at Ryzza Mae Dizon.

Kaya posibleng anytime today ay papaalis din ang iba kasama ang ALDUB/MAICHARD.

They expect kasi talaga na magkasama sila Alden at Maine dahil sa may sakit ito.

Noon pa man ay inaalagaan na nila ang isa’t isa lalo na pag nasa abroad ang mga commitment nila.

Gaya ng ginawa ni Tisoy kay Menggay noon na nagkasakit sa panahon ng shoot nila sa Italy for Imagine You and Me movie.

Sobrang inalagaan ng binata ang dalaga na kahit sa pagkain ay sinusubuan pa.

Kaya maraming saludo kay Alden sa sobrang pag-alaga niya kay Maine.

Umaasa ang marami na ganoon pa rin ang gagawin ng Asia’s Multimedia Star sa Phenomenal Star.

Aside sa kanilang pag-aabang sa pag-alis ng phenomenal loveteam, inaabangan din ng lahat ang production number ng mga idolo nila sa nasabing event ng EB.

Ito talaga ang event na maraming inaasahan ang lahat lalo na ang AlDub Nation especially ang offcam moments nila Alden at Maine.

Sweet Behind The Scene Nila Alden At Maine Sa Shopee Event Hulicam

Muling nabuhay kagabi ang ADN sa nakita nilang sweetness nila Alden Richards at Maine Mendoza habang nasa Shopee event ang idolo nila.

Kitang-kita sa dalawang mga mata nila ang mga nakakakilig na eksena na parang sila lang dalawa sa mundo.

Noon pa man hanggang ngayon ay walang nag-iba talaga sa mga kilos at titigan sa dalawa.

At syempre hindi nawawala ang bulungan nila kahit napaligiran sila ng ibang artista.

Tunay talaga na buhay na buhay pa ang AlDub, sabi ng netizens.

Alam mo ba, nang makita sila ng audience sa stage, biglang dumagundong sa hiyaw at saya ang mga tao sa paligid?

Parang sila lang Alden at Maine ang nasa entablado.

Sabi ng nasa paligid, wala pa ring nag-iba ang mga tao kapag nakakita kina Alden at Maine.

Iisa ang maririnig mo na tinatawag ng mga tao, ALDUB/MACHARD lang.

Kaya panawagan ng fans ngayon ay ibalik na ang tambalan nila Alden at Maine.

Kitang-kita naman sa ebidensya kagabi na matibay at strong pa rin ang AlDub at ADN.

Sana ay pakinggan na this time ng management ang hiling ng mga tao lalo na ang fans.

Sila lang rin naman ang makikinabang nito.

Ano sa palagay ninyo ang susunod na mangyayari ngayon sa karera nila Alden at Maine?

Narito ang video kuhang-kuha ang sweet moments nila Tisoy at Menggay sa shopee event.

https://twitter.com/batt1823/status/1193557973383049217
https://twitter.com/darna817/status/1193572887891865600
https://twitter.com/Aldub_ChibaJP/status/1193505910859030528

Maine Mendoza Tuluyan Nang Ibinulgar Ang Tungkol Sa Kanila Ni Arjo Atayde, Tatay Dub Nag-react

Puno ng batikos ngayon si Maine Mendoza matapos ang kanyang simple birthday greetings para kay Arjo Atayde.

Pati raw ang ama ni Menggay ay nag-react na rin para maprotektahan ang anak. 

Ano kaya ito?

Nagsimula ang isyung ito nang magpost ang phenomenal star ng photo with the Kapamilya aktor sa personal Instagram niya with caption Happy Birthday.

Kahit simple lang ang naging pagbati niya, agad itong umani ng iba’t ibang mga reaksyon ng netizens na kumalat na parang apoy.

May positive, kalma at negative comments na natanggap si Menggay.

Ngunit ang totoong ADN ay nasaktan nang mabuti.

Sobra silang nalungkot sa nangyari sa mga idolo nila na sina Alden Richards at Maine.

Umaasa man sila pero napapagod na ring masaktan.

Sabi nila, paulit-paulit na kasi na parang wala nang pakialam si Meng sa kanila.

Pero mas nakakaawa ang mga senior na umaasa pa sa dalawa na someday ay magiging sila rin sa totoong buhay.

Sana ay darating pa din ang araw na ‘yun.

Nang dahil sa nangyaring ito, tila babagsak na ang karera ng Dubsmash Queen, ayon din sa mga bashers.

Matagal na raw kasi itong pinagplanohan ng dalawang network.

Finally ay nagawa na rin nila at umpisa na ito sa nangyari sa Isa Pa With Feelings movie.

Hindi kasi raw nag-iingat si Maine at nakapasok talaga siya sa patibong ng kalaban.

Sa palagay ninyo, ito na kaya ang katapusan sa karera ni Maine Mendoza?

Narito ang ilan sa mga malungkot na reaksyon ng ADN tungkol dito.

https://twitter.com/carreon3_emma/status/1191881571520790528

Gagawin Pala Nila Alden At Maine Ang Role Nila Sanchai At Dao Ming Si Sa Meteor Garden Ang Katotohanan

Naging usap-usapan ngayon sa social media ang posibleng pagganap nila Alden Richards at Maine Mendoza sa role nila Sanchai at Dao Ming Si sa Meteor Garden Remake.

Nagsimula ang usaping ito nang magtweet si Menggay about sa Taiwanese aktor kamakailan lang.

Naging trending topic kasi si Jerry Yan o mas kilalang Dao Ming Si sa Twitter recently dahil sa kanyang bagong drama project.

Marami ang nakakamiss sa aktor dahil matagal ding hindi siya nagkaproyekto.

Isa na rito si Menggay.

Alam naman ng lahat na avid fan talaga si Meng sa F4.

Napakanta pa nga siya sa isa sa mga awit  nila sa isang event na dinaluhan niya.

Kaya mapi-feel mo talaga ang excitement niya at saya nang nakita niyang trending si Jerry sa Twitter.

Nang dahil sa nasabing tweet ng phenomenal star, napa-isip ang netizens tungkol sa remake ng nasabing Taiwanese drama.

Pwede kasing gaganap sila Alden at Maine dahil siguradong kuhang-kuha nila ang role ng mga bida nito.

Kung mangyayari ito siguradong magiging super trending topic ito.

Ngunit ang tanong ngayon ay papaano?

Alam naman ng lahat na ABS ang nakakuha sa rights nito.

Kaya parang malabo itong mangyayari soon.

Ano ang masasabi mo tungkol sa usaping ito?

Ito Na Ba Ang Ending Nila Alden At Maine Sa Eat Bulaga Ang Katotohanan

Marami ang nagulat sa kumakalat ngayon sa social media tungkol kina Alden Richards at Maine Mendoza.

Pumutok kasi ang balitang iiwan na ng dalawa ang APT dahil na na ito magre-renew ng contract.

Marami ang nababahala dahil marami pa rin ang umaasa na magkabalikan ang dalawa sa ALDUB loveteam nila lalo na ang ADN.

Unang nabasa ang nasabing isyu nang nagpost itong netizen at sinabi ang isyung nakuha niya.

Sabi ni Nora, Maine’s contract from APT ended & doesn’t want 2 sign another one & she said when Alden contract ends he will not sign either both just want 2 B in EB Alden doesn’t want 2 talk about contract renewal so tuviera is planning 2 discredit Alden so ADN will get mad @ him. 

Nang dahil sa post na ito, umani na naman ng iba’t ibang reaksyon sa internet.

Kadalasan ay hindi naniniwala na gagawin ito sa dalawa as early as now lalo na kay Maine.

Kitang-kita kasi nila na nag-eenjoy naman sila Tisoy at Menggay sa kanilang ginagawa ngayon kahit hindi magkasama.

Isa pa marami pa ring AlDub Nation na umaasa na makikita nilang muli sa iisang project ang dalawang idolo nila. 

Kaya hindi sila naniniwala na mangyayari ito sa kanila ngayon.

Ikaw, ano ang masasabi mo tungkol dito?

Lumabas Na Si Maine Mendoza Ang Paborito Ng ABS Kaysa Kay Alden Richards

Nang dahil sa pelikulang pinagbibidahan nila although hindi sila magkasama, natupad nila Alden Richards at Maine Mendoza ang pangarap nila noon pa man na makapasok sa ABS.

Sino namang artista ang hindi nangarap na makatungtong sa nasabing network?

Lahat naman siguro di ba?

Pero iba lang ang naging sitwasyon ng AlDub loveteam.

Alam naman ng lahat na malaking kalaban talaga ang dalawa sa mga loveteam ng kabila lalo na sa panahon ng AlDub phenomenon noon.

Ngunit ngayong pinaghiwalay na sila Alden at Maine, saka nila ito pinapasok at good thing binigyan pa ng proyekto.

Ngunit hindi talaga maiiwasan na maikompara ng netizens ang ginawa ng ABS sa Kalyeserye loveteam.

Halata kasing may bias raw ang ginawa ng network.

Una, mas malaking pera ang inilabas ng channel 2 sa promosyon ng pelikula ni Tisoy at Kathryn Bernardo compare sa movie nila ni Menggay at Carlo Aquino.

Pangalawa, the way they handle the two sa panahon na naging guest sila sa mga show ng Dos.

Marami talaga ang nakita ng fans na mga kakaibang treatment sa idolo nila.

Pero sabi ng iba, level up ng kaunti si Maine sa show ni Boy Abunda.

Ini-air talaga ito on TV unlike Alden na digital lang.

Halatang paborito ang phenomenal star sa show ng King of Talk.

Overall sabi ng netizens, dapat ay masaya nalang ang fans na sa nangyari at hindi ipag-compare sila kung sino ang mas lamang.

Ang importante silang dalawa ay may bagong experience galing sa ibang network.

‘Yun nalang ang dapat pasalamatan ng lahat.