Sylvia Sanchez Winakasan Na At Ayaw Palapitin Si Arjo Atayde Kay Maine Mendoza

Arjo Atayde Pinagbabawalan Na Ng Ina Na lumapit Kay Maine Mendoza?

Advertisements





Matapos ang makahulugang mensahe ni Ria Atayde tungkol sa relasyon nila Arjo Atayde at Maine Mendoza tila nagbago na ang lahat.

Sumunod agad ang balitang binasted raw ni Meng ang aktor.

Umani ito ng iba’t ibang reaksyon ng netizens. 

May iilang tao na nasayangan dahil nakabuo na ng magagandang memories ang dalawa ngunit ang iba naman ay masaya dahil umpisa pa lang ay hindi na sila sumang-ayon nito.

Tikom man ang bibig ng magkabilang kampo sa isyu pero parang naging totoo na ngayon ang balita.

Una kumalat ang hindi magandang photo ni Arjo habang nasa New Zealand.

Ngayon naman ay ang balitang diumano’y pinagbawalan ni Sylvia Sanchez ang anak na lapitan pa ang Dubsmash Queen.

Pinaglalayo raw ito kay Meng dahil naghahabol raw ito sa Kapamilya aktor.

Nang dahil dito muling dumepensa sa Phenomenal Star ang mga fans lalo na ang ADN.

Tila ginamit na naman raw  ang idolo nila para muling mapag-usapan sa press nang dahil sa may proyekto ito.

Kaya panawagan nila, tama na huwag nang gamitin nila ang pangalan ni Maine Mendoza.

Hindi naman ito nakakatulong sa karera nila ngunit mas nakakabagsak ito.

Enough na ang panggagamit nila sa ibang tao dahil hindi naman ito nakakabuti sa kanila.

Ang ibang netizens naman ay muling binatikos ang ina ni Arjo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *