Maine Mendoza Buwelta Na Sa Mga Panibagong Isyu Tungkol Sa Kanya

Sweet Revenge Ang Ginawa Ni Maine Mendoza Sa Mga Bashers Niya

Advertisements





Hanggang ngayon ay marami pa rin ang natataranta sa presence ni Maine Mendoza sa showbiz industry.

Kung anu-ano nalang ang mga isyu ang pinupukol nila sa kanya mula noon hanggang sa ngayon.

Recently lang ay tinatawag na namang siyang tamad ng mga bashers.

Agad namang dumipensa ang mga ADN sa idolo nila.

Pero si Maine ay may bwelta din pero in a good way.

Sa kanyang official Twitter account ay sinabi ng dalaga kung gaano ka hectic ang schedule niya.

Sabi niya, From Isa Pa With Feelings to Mission Unstapabol real quick Buhok-kain-tattoo time for Claire Isang eksena dito tapos balik ulit sa kabila bilang Mara Ano Meng, kaya pa ba? #SegueDiaries

Sabi ng netizens, ito ang patunay na hindi tamad si Menggay gaya ng sinasabi ng iba.

Kung ganoon siyang bata e di sana ay nagkaproblema na ang mga taong nakatrabaho niya noon pa man noong baguhan pa siya sa industriyang ito.

Kaso wala e, puro papuri ang narinig mo at kaliwa’t kanan pang mga awards.

Ang problema kase ng ibang tao ay mapaghusga pero wala namang alam.

Nang dahil sa post ni Meng ay pinamukha lang niya sa kanyang mga trolls na sila ang mga tamad dahil walang magawang magandang trabaho dahil siya lang ang binabantayan.

"Maine Mendoza Buwelta Na Sa Mga Panibagong Isyu Tungkol Sa Kanya", 3 out of 5 based on 5 ratings.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *