Maine At Alden Muling Binuking Ang Sarili Plano Sa Valentines Day Ready Na?

Ilang tulog nalang ay Valentines na!

Advertisements





Muling inaabangan ng lahat kung may date bang magaganap sa pagitan nila Alden Richards at Maine Mendoza.

Isa naman ito sa mga inaabangan taon-taon ng mga AlDub fans.

Mula kasing magkasama sina Tisoy at Menggay ay nakaabang na ang lahat sa mga update at pangyayari sa dalawa.

Sa Kalyeserye ng Eat Bulaga, nagkaroon ng mga big events ang show para sa ADN at ALDUB.

Pero nang pinaghiwalay sila Alden at Maine, tila nawala na rin ang mga nasabing event.

Kaya always hopeful ang mga fans nila na may mangyayaring date outside ng noontime show.

At first ay nakasilent lang ang surroundings ng phenomenal loveteam.

Ngunit nang maipareha sa sila sa iba’t ibang artista sa kanilang individual na proyekto, dito rin nagsimulang nagbago ang lahat.

Mas lalong uminit ito nang dumating si Arjo Atayde sa buhay ni Maine.

Pero ang mga totoong AlDub Nation ay hanggang ngayon nakasubaybay pa rin sa lahat ng nangyayari sa dalawang idolo nila.

Kahit ano pang marinig o mabasa nilang isyu ay hindi pinatulan.

They still believe na sina Alden at Maine pa rin hanggang sa huli.

May point naman ang mga taong sumuporta sa MAICHARD.

As long as ni isa sa kanila ay hindi pa ikinasal sa totoong buhay sa ibang tao, may chance pa.

Patuloy lang ang pagdarasal sa Maykapal dahil Siya lang ang may alam sa lahat.

Back to the Valentines celebration nila Tisoy at Meng, siguradong may mangyayaring celebration.

Kung noon ay makikita ng lahat ang kanilang selebrasyon, tila ngayon ay pilit na sinisekreto.

Pero after ng event ay sila mismo ang magbubuking sa kanilang sarili at aaminin ang pinagagawa nila sa nasabing okasyon.

Kaya aabangan nalang ng lahat kung may mangyayari bang date at kung sino ang makakasama nila sa February 14.

Ikaw, ano ang opinyon mo sa usaping ito?

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected !!