Kaya Pala Nagparamdaman Sina Alden At Maine May Naunsyaming Kasunduan

Maraming inaabangan ang AlDub Nation ngayong September kina Alden Richards at Maine Mendoza.

Advertisements





Marami kasing lumabas na haka-haka tungkol sa mga possible projects ng dalawa na magkasama.

Kasama pa rito ang diumanong opening ng Gasoline Station ng phenomenal loveteam.

May contract signing pang inaabangan, kung pipirmang muli ang Asia’s Multimedia Star.

Ito ang isa-isahin natin ngayon.

May mga chika na naman online na parang may mga naunsyaming kasunduan.

Una, ang pagsasamahan sana nila Alden at Maine na TIDE endorsement.

Usap-usapan na tila hindi ito matuloy dahil may humaharang na naman.

Talaga bang ganito nalang palagi pagdating nila Tisoy at Menggay?

Ito ang naging tanong ng mga netizens.

Pero sagot naman ng dalawa, hintay lang tayong lahat, may tamang panahon din sa lahat ng bagay.

Ang tungkol sa gasoline station na diumano’y opening na, walang concrete na ebidensya kung talaga bang sa kanilang dalawa ito o isa sa kanila.

Lastly, ang inaabangang contract renewal ni Alden.

Sabi ng ilang netizens, they believe na pipirmang muli ang binata ng kontrata sa kanyang network.  

Hindi niya ito matanggihan dahil in fairness naman sa GMA, marami silang projects na ibinigay sa kanya.

Ang masakit lang ay hindi kasama si Meng sa mga ito for now.

May positive namang nangyari sa karera ni Tisoy kung balikan noong bago pa siya sa showbiz.

Kaya for sure hindi ito kayang talikuran ng aktor ng ganoon nalang.

Bottomline is, hintayin nalang natin ang tamang panahon, ito ang panawagan ng totoong ADN.

Kahit anong mangyari, darating at darating din ang hinihintay ng lahat.

Ikaw, ano ang masasabi mo sa usaping ito?

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected !!