Ganito Pala Nag-celebrate Sina Alden At Maine Sa Kanilang AlDub 4th Anniversary

Alden At Maine Spotted Nga Ba Na Nag-celebrate Ng Kanilang 4th AlDub Anniversary

Advertisements





Paano nga ba sini-celebrate nila Alden Richards at Maine Mendoza ang kanilang 4th anniversary as AlDub loveteam?

Ito naging tanong ng mga netizens netizens kahapon July 16, matapos makita ang dalawa sa TV na hiwalay sa Eat Bulaga.

Nasa APT studio ang Dubsmash Queen at ang Pambansang Bae naman ay nasa barangay.

Sabi ng ilan, hindi man magkasama ang dalawa ngunit 100 percent sure na binati na nila ang isa’t isa offcam.

Yes naman, ang sabi ng ilan na spotted daw ang dalawa a night before sa nasabing okasyon na magkasama sa Concha’s Garden Cafe, Quezon City.

Ayon pa sa nakakita ay late na dumating sila Alden at Maine sa nasabing venue.

Dagdag pa nila, akala ng iba, wala selebrasyon but mayroon pala.

Kailangan kasing magcelebrate sila ng patago dahil bawal silang makitang magkasama in public dahil sa movie ni Tisoy.

Sa simpleng selebrasyon ay siguradong masaya na sila.

Bumati na din sila Alden at Maine sa lahat ng solid na AlDub fans na ito ay ikinatutuwa ng karamihan.

Samantala, ang ADN naman ay nag-celebrate din sa araw na iyon.

They celebrate friendship na nabuo ng dahil sa kanila Alden at Maine.

May pamisa silang ginawa para sa dalawang idolo nila.

Hiling nila sa Maykapal ay good health, strength at protection sa phenomenal loveteam.

Wish nila na sana sa susunod na selebrasyon ay makakasama na nila sila Alden at Maine gaya ng dati.

Sa ngayon ay ipinaabot nila ang kanilang pagbati sa dalawa sa pamamagitan ng social media.

"Ganito Pala Nag-celebrate Sina Alden At Maine Sa Kanilang AlDub 4th Anniversary", 5 out of 5 based on 46 ratings.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *