Full Message Ni Maine Mendoza Sa Kanyang Kaarawan Inulan Ng Halu-Halong Reaksyon Bakit Kaya?

Full Text Sa Speech Ni Maine Mendoza Sa Kanyang 24th Post Birthday Party May 3, 2019

Posted by Enchos.com and Blazin100Videos. Follow YouTube.com/Blazin100videos, YouTube.com/EnchosTube, Facebook.com/EnchosOfficial.

Advertisements





Ito ang kabuuang mensahe ni Maine Mendoza kagabi sa kanyang post birthday celebration prepared by fans.

Una po sa lahat, syempre salamat po sa lahat ng nag-organize sa lahat po ng attendees, sa lahat po ng naging part ng birthday party na ito, maraming salamat po.

Uhm ayun lang nagpapasalamat ako kasi alam naman nating lahat na marami nang nawala pero nandito pa rin po kayo.

And nagpapasalamat po ako na kahit marami na pong nangyari at hindi natin alam kung ano pa ang mangyayari nagpapasalamat pa rin po ako sa inyo sa lahat ng nagawa ninyo po sa akin, sa amin po ni Alden.

Sa lahat po ng patuloy ninyong suporta sa amin pong dalawa, at kahit individually na po yung ginagawa naming mga proyekto, nagpapasalamat pa rin po ako kasi nakikita ko yung patuloy niyong suporta at pagmamahal ninyo sa amin.

At sobrang tini-treasure po namin yun ni Alden at kung ano man po ang mangyari hindi man po namin alam kung hanggang saan hahantong ang suporta ninyo sa amin kung hanggang saan po magtatapos, pero gusto ko pong malaman ninyo na taos puso po akong nagpapasalamat sa lahat po ng naipakita ninyong suporta at pagmamahal sa akin mula sa simula yun lang po.

Sobrang naa-appreciate ko po yung presence ninyo po dito ngayon.

Ang pangit ko umiyak (laughs) yun lang po sobrang naa-appreciate ko po Thank you po.

Dahil sa mensahe ni Maine, bumuhos ang mensahe ng pagmamahal galing sa ADN

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *