Ang Biyahe Patungong Dubai Nila Alden Richards At Maine Mendoza

Kung kahapon ay super lungkot ang mga ADN dahil sa napabalitang idinala si Maine Mendoza sa ospital dahil sa sakit nito, aba, ngayon ay masaya na silang muli.

Advertisements





Nakita na kasi nila si Meng sa taping ng Daddy’s Gurl.

Although hindi pa siya completely heal ngunit masaya sila na okay na ang dalaga.

Today ang inaabangan ng lahat ay ang pagbiyahe nila Alden Richards at Menggay patungong Dubai para sa event ng Eat Bulaga.

Sa airport pa lang ay may nakabantay na mga fans sa posibleng pag-alis ng dalawa na magkasama.

May mga Dabarkads na kasing napabalitang nauna ngayon like Allan K at Ryzza Mae Dizon.

Kaya posibleng anytime today ay papaalis din ang iba kasama ang ALDUB/MAICHARD.

They expect kasi talaga na magkasama sila Alden at Maine dahil sa may sakit ito.

Noon pa man ay inaalagaan na nila ang isa’t isa lalo na pag nasa abroad ang mga commitment nila.

Gaya ng ginawa ni Tisoy kay Menggay noon na nagkasakit sa panahon ng shoot nila sa Italy for Imagine You and Me movie.

Sobrang inalagaan ng binata ang dalaga na kahit sa pagkain ay sinusubuan pa.

Kaya maraming saludo kay Alden sa sobrang pag-alaga niya kay Maine.

Umaasa ang marami na ganoon pa rin ang gagawin ng Asia’s Multimedia Star sa Phenomenal Star.

Aside sa kanilang pag-aabang sa pag-alis ng phenomenal loveteam, inaabangan din ng lahat ang production number ng mga idolo nila sa nasabing event ng EB.

Ito talaga ang event na maraming inaasahan ang lahat lalo na ang AlDub Nation especially ang offcam moments nila Alden at Maine.

"Ang Biyahe Patungong Dubai Nila Alden Richards At Maine Mendoza", 5 out of 5 based on 75 ratings.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *