Alden Naging Emosyonal Habang May Panghihinayang Para Kay Maine, Allan K Napaluha Na Rin Dahil Dito

Ito ngayon ang pinag-usapan ng mga netizens tungkol kina Alden Richards at Maine Mendoza.

Advertisements





Hanggang ngayon kasi ay naging topic pa rin nila ang contract signing ng Eat Bulaga sa GMA Network recently.

Marami kasi ang nakapansin sa mga eksena ng pa-zoom video ng EB Dabarkads.

Kitang-kita kasi sa video ang pagiging emosyonal ni Tisoy nang sinabi niyang hindi na mabubura kailan man ang nangyari sa kanila ni Meng sa nasabing longest running noontime show in the country na naging sanhi sa pagbabago ng buhay niya at nang lahat.

Totoo naman at sinang-ayunan ito ng mga kasamahang host ng show.

Si Allan K nga ay napaluha din habang nadinig ang sinasabi ni Alden.

Siya lang naman ang number 1 fan ng dalawa simula pa lang ng Kalyeserye noong 2015.

Ayon sa mga ADN, nakita  nila ang panghihinayang ng Asia’s Multimedia Star sa nangyari ng tambalan nila ng phenomenal star.

Hindi man niya nabubura ang lahat na masasayang araw nilang lahat lalo na ang samahan nila ni Meng ngunit may kirot din ito sa puso niya dahil sa mga sarswelang patuloy na umataki sa kanilang dalawa.

Sana lang ay pagbigyan ng show at ng network ang hiling ng karamihan para manumbalik ang lahat na kasiyahan kagaya noong Kalyeserye time.

Samantala, naging usap-usapan din ng netizens ang tungkol sa di umano’y pagkakaroon ng Kalyeserye Book 2.

Maraming fans ang hindi sumang-ayon dito dahil tila gagamitin na naman ang ALDUB para ibalik sa itaas ang rating ng show at ng network.

Hinala rin ng ilan, na kung magkakatotoo ito ngayon, tila magagamit din ito sa political career ni Tito Sotto na tumatakbong Bise Presidente this 2022 elections.

Kaya for now, mas pipiliin nila na huwag muna para hindi magamit ang idolo nila gaya ng ginawa ng lahat dati sa kanila.

Ano ang masasabi mo tungkol sa usaping ito?

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected !!