Alden May Single Na Ginawa Para Kay Maine, Sylvia Humarang Na Agad

Balik recording na naman si Alden Richards ngayong malapit na ang kanyang digital concert.

Advertisements





Pinag-usapan na sa social media kung saan niya iaalay ang kanyang panibagong single.

Ayon sa ilang fans, hindi na dapat itanong pa dahil alam naman ng lahat na para lang ito kay Maine Mendoza.

Ito kasi ang usap-usapan recently sa social media.

Pero tila agad naman itong hinarang ni Sylvia Sanchez sa pamamagitan ng kanyang post kamakailan lang sa kanyang Instagram account kung saan ay kasama nila si Meng habang ipinagdiwang ang kaarawan ng anak na si Arjo Atayde.

Agad namang uminit ang internet dahil sa sari-saring reaksyon at opinyon ng mga fans at netizens tungkol dito.

May nagsabing hindi ito recently nangyari dahil hindi nakamask ang phenomenal star.

Pero iginiit pa rin ng ArMaine fans na this week lang ito kinunan ng pamilyang Atayde.

Balik kay Alden sabi naman ng iba, pwede naman ialay niya ito sa kanyang pamilya ang kanyang new single o di kaya’y sa fans bilang pasasalamat sa kanilang suporta mula noon hanggang ngayon.

Mas mabuti pa ‘yun para wala nang isyu at magiging tahimik ang binata.

Tama na kung anuman ang stado ng kanyang puso.

Dapat ay hindi na siya pilitin pa at respetuhin nalang.

Hintayin ang tamang panahon para siya na mismo ang kusang magsalita para sa katotohanan.

Ano ang masasabi ninyo tungkol sa usaping ito?

You may also like...

1 Response

  1. johpay alla says:

    Mas mabuting hwag na iconnect c maine ke alden, she’s obviously happy with arjo, let her…
    Fans of Aldub leave Alden alone…he’s minding his own business.
    Respect Alden, Maine and Arjo. They’re all humans like everyone of us

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected !!