Alden Ipakilala Na Ang Sekretong Mahal Ngayong Engage Na Si Maine?

Marami ang nagalit, nasaktan nang malamang engage na si Maine Mendoza sa boyfriend niya na si AA.

Advertisements





Ang iba ay sinisisi si Alden Richards sa nangyari sa ALDUB/MAICHARD na nawala dahil hindi niya ito ipinaglaban.

Kahit sa personal na buhay ay sinisisi din ang aktor dahil hindi napanindigan ang sa kanila ni Meng.

Sinabi pa nilang talagang ginagamit lang ng Asia’s Multimedia Star ang dalaga para sa sariling kapakanan.

Pero kahit ano pa ang pagsisisi ay talagang wala nang magawa, ito ang sabi ng ilang netizens.

Dapat ay hindi maging emosyonal at tanggapin nalang ang katotohanan.

Siguradong ginawa din ni Alden ang part niya to love Maine sa paraang alam niya.

Hindi lang nagworkout at tinadhana.

Sabi pa ng isang AlDub fan simula nang pumasok sa buhay nang aldub ‘yang Arjo na yan wala nang buhay ang maichard nagulo na ang isang masayang loveteam akala ko pa naman sila na in real life hindi rin pala masakit sa akin bilang aldub fan yung iba na ang kasama ni Maine pero wala na tayong magawa sana may ipakilala na rin si Alden.

Mas mabuti din itong nangyari para maipakilala na ni Tisoy ang mahal niya sa publiko.

Marami kasing naniniwala na may itinatagong babae ang binata.

Ginawa lang niya ito para protektahan ang mahal niya lalo na’t celebrity  siya.

Marami ang nalilink noon pero sino kaya ang totoong babae na minahal niya?

Panahon na ba na ipakilala siya ngayong engage na si Maine?

Ano ang reaksyon ninyo tungkol sa usaping ito?

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected !!