Alden Hahatakin Si Maine Para Sa Isang Malaking Proyekto, Management Nawindang?

Ito ngayon ang pinag-usapan ng netizens sa social media na may kaugnay sa plano ni Alden Richards para sa kanila ni Maine Mendoza.

Advertisements





Sa internet nabasa nila ang ilang posibleng projects na nakaline – up sa dalawa, solo man o magkasama.

Isa sa mga napag-usapan nila ay ang posibleng mangyayaring proyekto ng ALDUB/MAICHARD kasama sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Noon pa man ay pinangarap na ni Tisoy na makasama sa iisang project ang iniidolo niyang artista na dati ay nasa bakuran ng ABS.

At ngayong Kapuso na sina JL at Bea malaking chance na makatrabaho niya ang dalawang ito.

Nagkatrabaho na ang Asia’s Multimedia Star at Box Office Queen sa isang commercial.

May nakaplano na ring pelikula para sa dalawa.

Ngunit tila naudlot ito for now dahil sa pagpirma ng kontrata ni Lloydie sa GMA.

Ayon kasi sa usap-usapan, baka uunahin ang project ni Bea at JL since matagal na silang hindi nagkasama.

May nakaplano na sa ABS noon ngunit hindi rin natuloy dahil sa iba’t ibang reason kasama na ang pag-lie low ng Box Office King sa pelikula.

Kaya maraming excited sa muling pagbabalik ng Bea-Lloydie tandem.

Pero mas magiging exciting pa ito if makasama din nila si Alden at Maine.

Kumbaga, ALDUB plus Bea-Lloyd team up.

Kung mangyayari ito, siguradong tiba-tiba ang mga producer ng nasabing proyekto.

For sure naman pipiliin ni Tisoy si Menggay na makasama kung hindi lang manggugulo ang management niya.

Siguradong ito ang magiging top grossing film kung bigyan lang ng pagkakataon.

Ano sa tingin ninyo kung sakaling papalarin at mangyayari ang tandem na ito?

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected !!