Alden Ginawang Experimento, Babae Ang Dahilan Sa Pag Season Break Ng Teleserye

Naging iba’t iba ang reaksyon ng netizens nang malamang mag season break muna ang teleserye ni Alden Richards.

Advertisements





Sabi ng direktor Dominic Zapanta ay kailangan ito dahil sa ECQ at MECQ status ng lugar sa Maynila nang dahil sa pandemya.

Ayaw nilang malalagay ang kanilang team at mga cast sa kapahamakan kung sakaling ipagpatuloy nila ang kanilang trabaho,kaya ito nangyari.

Unang nagreak ang mga viewers nito dahil sa kapana-panabik na mga tagpo at eksena sa The World Between Us.

Sabi nila, bakit ngayon pa kung kailan ay bawal na namang lumabas at bored sa bahay?

May aabangan sana gabi-gabi pero nawala pa.

Ayon naman sa iba, okay lang dahil papagandahin naman ang kwento nito, ayon ni direk.

Dagdag nila, hindi ‘yan pataasan ng taon, kundi, bibigyan ang viewers ng may kalidad na story.

Marami kasing nagsabi na kaya inihinto ang nasabing series dahil sa mababang rating kung ikumpara mo sa teleserye ni Coco Martin.

Marami man ang umalma, ngunit no choice na rin sila dahil until Friday nalang August 27 ang pag-eere nito at pansamantalang mamamaalam.

Pero promise ng director, mas exciting pa ang magiging kaganapan nito sa kanilang pagbabalik.

Ayon sa bali-balita, may ipapasok na bagong karakter ng isang babae na siyang magdadala ng excitement sa nasabing teleserye sa pagbabalik nito.

Ang tanong ngayon, sino kaya siya?

Ang sabi naman ng iba, papasok ang bagong kapuso na si Bea Alonzo.

Ito na kaya ang unang proyekto niya sa nasabing istasyon?

Ngunit ang mas malakas na sigaw ng netizens at ALDUB fans ay ipapasok si Maine Mendoza, siguradong tataas ang rating nito.

Ano ang masasabi ninyo tungkol sa usaping ito?

You may also like...

1 Response

  1. Tessie Antonio says:

    Ipasok nalang nila si Maine Mendoza para makabawi sila dahil sa ayaw at sa gusto nyo malakas ang AlDub buong mundo ang fans nila at kaya humina din ang pinoy tv dito sa US dahil pilit nilang inaalis ang AlDub kaya nag -unsubscrived ang marami, ang mga cable dito karamihan TFC lang ang kinukuha dahil sa ganda na rin ng mga teleserye nila sabi nga mg isang director basura ang mga kwento ng gma puro kopya sa mga korean nobela walang originality kaya sorry to say may kabayaran lahat ang pagmamanipyula ng mga humahawak kina Maine at Alden, I believed sa KARMA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected !!