Alden Echapwera Ni Bea Kaya Hindi Pa Nasimulan Ang Shoot Ng Movie, Ayaw Pa Rin Patungtungin Sa EB?

Ito ang naging usap-usapan ngayon sa social media tungkol kay Alden Richards.

Advertisements





Marami ang nagtaka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa sinimulan ang shooting ng pelikula ng Asia’s Multimedia Star at Bea Alonzo.

Tapos naman ang taping ng teleserye niya at iba pang commitment nito.

Ngunit sa araw na ito, napag-alaman na tila hindi pa ito matutuloy sa ngayon.

Ayon sa balita, nagsimula ng magshoot sina Bea at John Lloyd Cruz sa kanilang movie.

Spekulasyon ng ilan, ang nasabing comeback movie ng dalawa ay kasama si Alden.

May news kasing sinabi na excited na ang Pambansang Bae na makasama sa isang proyekto ang dalawang idolo niya.

Alam naman ng lahat na dream ni Tisoy na makatrabaho ang dalawang magagaling na artista.

Kung noon ay imposible ito dahil nasa ibang network sina Lloydie at Bea, ngayon ay mas madali na dahil iisa na ang kanilang bakuran.

Sabi naman ng ilan ADN, mas maganda sana kung makakasama din nila si Maine Mendoza.

Siguradong pagpi-pyestahan ito sa mga sinehan.

Samantala, patuloy ang pag-aabang ng mga AlDub fans ang pagbabalik Eat Bulaga ni Alden.

Nag-expect kasi silang makabalik na ito dahil wala nang ginagawa ang binata.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi raw binigyan ng schedule ang other half ng ALDUB.

Kaya tanong nila, may problema ba ang GMA at ang Eat Bulaga management kaya hindi pa nakabalik si Alden sa nasabing show?

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected !!