Alden At Maine Spotted sa Isang Resto Kasama Pa Si Nanay Dub?

Sa kabila nang kaliwa’t kanan na isyu ngayon tungkol sa lalaking guest ng Daddy’s Gurl episode sa kaarawan ni Maine Mendoza may mga spotted moment pa rin diumano sina Alden at Meng kasama pa ang ina ng dalaga.

Advertisements





Ito ang pinag-usapan ng mga netizens sa social media matapos itong ibinalita ng isang fan.

Sabi ng ilan, sana ay totoo ang balitang ito at least man ay ay mabawasan ang sakit na nararamdaman ng ADN kung sakaling totoo nga na si Arjo Atayde ang guest ng nasabing show.

Ayon sa kanila, malaking mawawalang viewers kung talagang magyayari ito.

Ang iba sa kanila ay sigurado na rin na ang kapamilya aktor nga ito, kaya para sa ALDUB Nation, off ang TV muna.

Nananawagan din sila sa direktor ng show pati na kay Vic Sotto at tinanong kung bakit hinayaan nila itong mangyari.

Alam naman nila na malaking kasiraan ito sa career ni Meng.

Isa na naman ba itong pakana ng GMA para suportahan si Alden sa kanyang movie with Bea Alonzo, tanong ng iba.

Marami din kasing magboboycot diumano sa nasabing pelikula dahil hindi naman magkasama si Tisoy at Menggay.

Hanggang kailan ba magtitiis ang ALDUB lovers?

Response naman ng karamihan, as long as may kontrata ang Asia’s Multimedia Star sa network niya at ang hindi pagpirma ng phenomenal star ng contract, tila hindi na sila muling pagsamahin pa.

Maging kontento nalang na magkasama sila sa Eat Bulaga, dagdag nila.

But for now, tiis-tiis muna na hindi sila magkasama dalawa dahil parte na naman ito ng plano ng management nila.

Ikaw, ano ang masasabi mo tungkol sa usaping ito?

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected !!