Alden At Maine Minamanmanan Na Dahil Sa Posibleng Mangyayari Sa 2022

Sinimulan na ang pagmamanman  diumano nila Alden Richards at Maine Mendoza.

Advertisements





Ito ang nakuhang impormasyon ng ilang fans kamakailan lang.

Ang nasabing isyu ay may kinalaman sa pulitika.

Naging usap-usapan kasi ito ngayon dahil sa planong pagtakbo ni Tito Sotto bilang Bise Presidente ng Pilipinas ngayong darating na election 2022.

Alam naman ng lahat na noon pa man ay malapit na sina Tisoy at Menggay sa Pamilyang Sotto.

Kaya may posibilidad na kukunin silang dalawa o isa sa kanila na magiging endorser niya.

Pero sana lang ay kagaya ng dati, hindi tatanggapin ng phenomenal loveteam kung may offer mang ibigay sa kanila.

Or paninindigan nila na wala silang iniindorso na politician o may kinalaman sa politika.

Sa ibang banda naman, napag-usapan din na gagamitin ng pamilyang Atayde si Maine bilang endorser ni Arjo.

May plano kasi itong tatakbo rin sa darating na election.

Papayag kaya ang dalaga na magpagamit sa nasabing pamilya?

Ayon sa mga fans, tila nakasanayan na ng pamilya na gamitin ang pangalan ng isang Maine Mendoza.

Kaya hiling nila ngayon, sana this time hindi na payagan ni Menggay na mangyayari ang lahat ng ito.

Sa inyong palagay, kailangan pa ba nila Alden at Maine ang politics para sa karera nila?

Tatanggapin kaya nila kung may iaalok na maging endorser sila or papasok na rin sa pulitika?

Ano ang masasabi mo tungkol sa usaping ito.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected !!