WATCH: Eat Bulaga KalyeSerye October 25, 2016 #ALDUBEndearment

As a wife, ginampanan na ni Maine Mendoza ang mga gawain bilang isang asawa ni Alden Richards.

Thank you for visiting the page. Scroll down below to continue with the content.
Sponsored Links

While nasa shooting ang kanyang asawa, siya naman ay nagluluto, naglalaba, namamalansta at naglilinis.

Pinayuhan siya nila Lola Nidora at Tinidora na magkuha ng kasambahay ngunit gusto ni Maine na siya mismo ang magsilbi kay Alden.

Matapos nito, umalis ang mga Lola para sa kanilang zumba session.

Nang umalis ang mga matanda, dumating din si Alden galing sa trabaho.

Advertisements

Nagkaroon ng misunderstanding ang dalawa dahil nagalit si Maine nang may nakitang lipstick sa damit ng asawa.

Pinaliwanag ng Pambansang Bae kung saan galing ito, pero hindi ito naniniwala.

Kaya to the rescue si Mama Ten at sinabing siya mismo ang magsasabi kung magloloko si Alden.

Nang okay na ang dalawa, dumating ang mga Lola na may kasamang taga-Metro.

Ito ang nagdadala sa mga official photos ng wedding nila.

"WATCH: Eat Bulaga KalyeSerye October 25, 2016 #ALDUBEndearment", 5 out of 5 based on 2 ratings.

You may also like...